Ito ang lahok ko para sa nakaraan Huwebes ng Litratong Pinoy na ang tema ay “Eksayted”. Walang pinagbago lagi parin nahuhuli
sensya na po at medyo madaling malingat ang aking atensyon sa ibang bagay na kung saan ay bago sa aking paningin. Simula kasi sumali ako sa Facebook isang networking website ay hindi na ako maalis-alis dun kulang nalang eh bente-kwatro oras akong “login” dun lalo na nong naaliw ako sa mga “flash base games” nila. Sobrang nakakaaliw talaga. Kahit nga yung mga kailangan gawin ko sa “online” ay hindi ko na nagagawa. Tama na nga yang walang katupusan paghingi ng dispensa LOL. Sa totoo lang minsan nahihirapan ako maghanap ng litrato para sa ibang tema kya minamabuti ko nalang na magliban muna.
Ito po ang litrato ng aking dalaginding, kuha ito nong nakaraang taon kung saan 1st time nyang makaapak sa niebe (snow). Tuwing lalabas kami ng bahay ay lagi syang eksayted hawakan at maglaro sa niebe. Hanggang ngayon eh eksayted parin sya. Tuwing naulan ng snow ay lagi syang naglulundag sa tuwa habang pilit na sinasalo ang mga niebe galing langit. Kahit ako eksayted sa niebe, sa panahon ng tag-lamig tanging niebe lang ang gusto ko
Nga po pala para sa miyembro ng Litratong Pinoy paki-iwan ang inyong URL dahil kasalukuyan akong gumawa ng blogroll para sa atin. Salamat!

Gustong-gusto nya ang niebe. Sa katunayan nga gumulong na yan sa snow hihihihi.

mukha ngang eksayted siyang nakaupo sa niyebe:D parang ganun din nga ang magagawa ko. Magpagulung-gulong at magpalitrato hehehe!
Maritess last blog post..Manny Pacquiao vs Oscar dela Hoya Video